LIVE CHAT
|
INSTANT MESSENGER
|
BOOKMARK
 
 
 
Welcome Guest Login or Signup
Username:  
PhotoBen750
PROFILE   GALLERY   BLOGS   GUESTBOOK   FRIENDS   FAVORITES  
 


RSS
Wikang Filipino Pagyamanin - Wikang Vernacular Waglimutin - Wikang Ingles Pagbutihin
Posted On: 04/22/2008 01:23:59

Wikang Filipino Pagyamanin
Wikang Vernacular Waglimutin
Wikang Ingles Pagbutihin

Ang mga sumusunod ay ang mga nanalo sa paligsahan ng malikhaing pagsulat noong nakaraang Buwan ng Wika:

Unang gantimpala ni Madaline Dacoco
2nd Yr. - St. Nichole

Ano ang kahalagahan ng wika sa atin? Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng wika?

Maraming klase ng wika ang maaari nating gamitin. Nandiyan ang wikang Vernacular o iba’t ibang linguwahe, wikang Ingles na lagi o kadalasang ginagamit ng mga propesyonal na tao at higit sa lahat, ang wikang Filipino na sarili nating wika.

Ang wika ay napakahalaga sa atin, dahil ito ang nagsisilbing buhay ng ating komunikasyon. Tayo’y nagkakaintindihan sa pamamagitan ng ating wika.

Sinasabing pagyamanin ang wikang Filipino, o ang ating sariling wika o paunlarin natin ang ating sariling wika dahil ito ang dahilan kung bakit tayo nagkakaintindihan o nagkakaunawaan. Kaya’t sana ay gamitin natin ang ating sariling wika o atin itong mahalin.

Hindi sinasabing sa paggamit ng wikang Ingles ay dapat baliwalain. Ito’y mahalaga rin kaya’t dapat nating pagbutihin o pag-igihin ang paggamit nito lalong lalo na ang mga taong propesyonal. Dahil ginagamit nila ito sa parereprisinta sa kanilang gawain o propesyon. Tulad sa malalaking kompanya na ang kadalasang ginagamit ay wikang Ingles. Kaya’t dapat nating pagbutihin ang wikang ito.

Ngunit hindi pa riyan nagtatapos ang paggamit ng wika. Kailangan din nating malaman o matutuhan ang wikang Vernacular o iba’t ibang linguwahe dahil maraming tao ang maaari nating makilala, at di lamang mga Pilipino o Amerikano na makakausap mo sa wikang Filipino o Ingles. Maaari rin tayong makasalamuha ng ibang tao na ang gamit ay ibang linguwahe. Kaya’t kailangan din nating matutuhan ang pagsasalita o pag-intindi ng wikang Vernacular.

Para sa akin, napakahalaga ng bawat wika dahil kung wala ito o kung hindi natin alam gamitin, tayo ay mahihirapang makipag-usap o makipag-unawaan sa iba’t ibang klase ng tao. Kaya’t ating mahalin ang bawat wika natin lalong lalo na ang sariling wika.

Tags: language, speach, communication, Madaline, dacoco



Bookmark:


     

 
 

© 2008 FilipinoPeople.com All rights reserved.